Panawagan para sa pagbibitiw ng mga matataas na opisyal PNP, unang hakbang pa lang upang linisin ang hanay ng pulisya sa impluwensya ng illegal drug trade – CHR

Itinuturing ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat ay pang-unang hakbang lang ang panawagang courtesy resignation sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y kung ang layunin ay linisin ang hanay ng kapulisan mula sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Sa isang statement, sinabi ng CHR na ‘di dapat magtapos sa resignation ang paghingi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa courtesy resignations ng mga PNP officials.


Dapat pa rin umanong habulin ang kriminal na pananagutan ng mga narco generals.

Nais ng CHR na imbestigahan ng DILG at PNP sa mga PNP official na sangkot sa pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Arnaiz, at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.

Sa pamamagitan aniya nito ay maipapakita sa publiko na ang batas ay patas o parehong kumikilala mayaman ka man o mahirap.

Facebook Comments