PCG, nag-inspeksyon sa Quirino Grandstand para sa “Walk of Faith”

Maagang nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ay bilang paghahanda sa “Walk of Faith” na magaganap mamayang hatinggabi.

Partikular na nilibot ng Coast Guard K9 units ang mga kritikal na lokasyon sa Quirino Grandstand para matiyak ang kaligtasan ng mga debotong dumadagsa.


Nanawagan naman ang PCG sa publiko na manatiling alerto at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad sakaling may mapansin silang kahina-hinalang tao o bagay sa kasagsagan ng selebrasyon.

Nagsagawa rin kanina ng inspeksyon sa Quirino Grandstand si Manila City Mayor Honey Lacuna para sa nagaganap na “Pagpupugay” sa Itim na Nazareno.

Ininspeksyon din ni Lacuna ang rutang dadaanan ng “Walk of Faith” bukas ng madaling araw.

Facebook Comments