Panawagang ceasefire sa Sea Games controversy, suportado ni Senator Angara

 

Nakiisa si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa panawagang magkaroon ng ceasefire o tigil sa pagpapalitan ng argumento kaugnay sa kontrobersyal na gastos sa 2019 Southeast Asian Games o Sea Games.

 

Diin ni Angara, mahalaga na magkaisa ang buong bansa para ipakita sa ating Asean neighbors ang ipinagmamalaking hospitality ng mga Pilipino.

 

Nangangamba din si Angara, na ang negatibong ukol sa sea games ay makaapekto sa ating mga atleta na puspusang nagsasanay para makapagbigay ng karangalan sa bansa.


 

Sa budget deliberations ng Senado, ay lumabas na nasa 15-billion pesos ang gastos sa Sea Games, kung saan nakapaloob ang 9.5 billion na ginastos sa pagpapagawa ng New Clark City at sa kontrobersyal na cauldron o kaldero.

 

pero bukod pa dito ang gastos sa pagpapaayos ng iba pang pagdarausan ng palaro sa Pampanga, Subic sa Olongapo at sa Metro Manila.

 

Paliwanag naman ni Angara, ang lahat ng transaksyon at gastos ng gobyerno kasama ang sa sea games ay sasailalim sa pagbusisi ng Commission on Audit.

Facebook Comments