Panawagang pagbibitiw ni Secretary Aguirre, sinuportahan ng minority senators

Manila, Philippines – Sinuportahan ng mga senador na kabilang sa minorya ang panawagan kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magbitiw na.

Ang pahayag ng Senate Minority Bloc ay kasunod ng ibinunyag ng kanilang kasamahang si Senator Risa Hontiveros na may nilulutong kaso laban sa kanya ang kalihim.

Ayon kay Hontiveros, ang nabanggit na plano ni Aguirre ay nabuking ng makunan ng larawan ang text messages nito kay Cong. Jing o former negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras, na miyembro ngayon ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.


Diin ng opposition senators, hindi akma si Aguirre sa kanyang posisyon dahil ang mga aksyon nito ay lumalabag sa mga norms of conduct o nararapat na asal at katanginan para sa mga public servant o nasa gobyerno sa ilalim ng batas.

Giit pa ni minority senators, karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng isang miyembro ng Gabinete na hindi nagkakalat ng kasinungalingan at fake news at hindi rin naninira.

Maliban kay Hontiveros, miyembro din ng Minority Bloc sina Senators Franklin Drilon, Kiko Pangilina, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV at Leila De Lima.

Facebook Comments