
Walang pang kongresista ang nagpapahayag ng suporta sa panawagang snap elections ni Senate Minority Leader Senator Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, huling nangyari ang snap elections noong panahon ng martial law at malayo ang sitwasyon nating ngayon para muli itong ikasa.
Para naman kay Akbayan Rep. Perci Cendaña, ang panawagan para sa snap elections ay medyo tone-deaf o wala sa tono o salungat sa nais ng taumabayn na panagutin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Sabi naman ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan, wala sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng snap elections.
Diin ni LIbanan, kung may mga pagbabago na kailangang isulong, ay dapat itong idaan sa Constitutional Convention, Constituent Assembly, o People’s Initiative.









