Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay alyas “Joy”, nag-ugat ang alitan sa pagitan ng dalawang partido dahil umano sa pansit bihon at pitong beses na pagpapaputok umano ng baril noong December 2021.
Sinasabing binigyan ng kasambahay ng lutong pancit bihon ang pamilya ng nagrereklamo ngunit itinanggi ito dahil wala naman umanong natanggap na pansit.
Bukod dito, nito lamang February 27, 2022, muling sumiklab ang galit ng kanilang kaanak dahil hindi umano naniniwala ang kaanak sa kilo ng karneng baboy na itinimbang.
Dakong alas-11:30 nito lamang March 2, 2022 nang sumugod umano sa lugar nila alyas “Joy” ang kaanak bitbit ang ilang patalim na bagay at nanggulo kung saan nasira ang kanilang tindahan gayundin na pinagbabasag ang bote ng softdrinks.
Samantala, sa panayam naman ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Rogelio Natividad, hepe ng PNP Sta. Maria,iminungkahi na idaan muna ang usapin sa barangay sa pamamagitan ng Lupong Tagapamayapa at kung hindi man maayos dito ay handa umanong tumulong ang PNP sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa kaanak ng nagrereklamo.