Pandan Catanuanes, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Pandan, sa Catanduanes kaninang alas-8:56 ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS), nasa layong 31 kilometers silangan ng karagatan ng nasabing bayan ang epicentro ng lindol.

May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.


Wala namang inaasahang mga aftershock at wala ring naitalang nasugatan at nasirang mga ari-arian.

Facebook Comments