Walang nakapaloob na pondo sa 2022 national budget para sa pandemic assistance ng mga mag-aaral mula sa pribadong paaralan sa bansa.
Sa ginanap na pagdinig kahapon, tinanong ni ACT Teachers party-list Representative France Castro kay Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero De Vera III kung bakit hindi kasama ang mga mag-aaral mula sa pribadong paaralan sa dapat tulungan.
Agad naman itong sinagot ni De Vera at sinabing imbes na sa Bayanihan 2 ay sa Bayanihan 3 pa ito maipapaloob.
Samantala, ipinanukala na ni De Vera sa malakanyang ang pagbubukas din ng face-to-face sa ilang kurso sa bansa.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
• Engineering
• Hospitality/Hotel and restaurant management
• Tourism and travel Management
• Marine Engineering
• Marine Transportation