Pandemic exit plan, pinaghahandaan na ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan

Naghahanda na ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pagbuo ng pandemic exit plan kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ilalim nito ay dapat isaalang-alang ng mga negosyante ang ilang mga pagbabago sa mga business establishment tulad ng mataas na kisame para sa mas maayos ng ventilation, ligtas na delivery services, paglalagay ng alcohol at plastic barriers, at iba pang safety protocols.

Ayon sa ilang business groups, kailangang pag-isipan ang pandemic exit plan upang hindi na pabago-bago ang mga polisiya kada-dalawang linggo na nagpapahirap sa mga negosyo.


Bukod dito ay inirekomenda rin ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na isama sa pandemic exit plan ang pagtanggal sa alert level system lalo na sa mga lugar na may mataas na vaccination rate.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Adviser on COVID-19 Response Vince Dizon na pag-aaralan nila ang panukalang pagtanggal sa alert level system at pandemic exit plan.

Facebook Comments