Pandemic response ng administrasyong Duterte, binigyan ng markang “satisfactory”

Binigyan ng markang “satisfactory” ni OCTA Research Team Fellow Prof. Guido David ang administrasyong Duterte pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay David, bagama’t nakapasok pa rin sa bansa ang Delta variant ay masaya siya sa pandemic response ng pamahalaan.

Aniya, bumuti ang testing at contact tracing capacity ng bansa pero kailangan pa ring palakasin ang genome sequencing.


May mga pagkukulang din sa tugon ng gobyerno na hindi naman nito kontrolado gaya ng global shortage supply sa bakuna kung kaya’t hindi rin nila ito maituturing na pagpapabaya.

“Sa testing, nag-scale up na rin naman. Yung contact tracing na weakest link natin dati, nag-invest sila. Yung sa vaccination, natututukan naman at masaya tayo na malaman na almost 20% ng NCR ay fully-vaccinated, mataas ang vaccination rate natin sa NCR and hopefully makatulong yan sa pagpigil sa Delta variant,” ani David.

Ang vaccine rollout naman ang isa sa mga usaping nais marinig ng OCTA sa SONA mamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Gusto nating marinig yung about sa vaccine rollout which is so far, I would say successful siya given the limitations sa suplay and somehow, nako-kontrol pa rin natin yung spread ng Delta, especially compared to our neighbors,” dagdag niya.

Facebook Comments