Naniniwala si Philippine Red Cross (PRC) Chairperson Senator Richard Gordon na maayos pa ring nagagawa ng pamahalaan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), nasa 19,252 na ang namatay sa COVID-19.
Ayon kay Gordon, nananatili pa ring malaki ang bilang ng mga namamatay pero malayo ito sa naitatala sa iba pang bansa tulad ng Estados Unidos, United Kingdom, France at Spain.
Kailangan ding magkaroon ng “fine tuning” sa pandemic response partikular ang pagpapalakas sa COVID-19 testing.
Dapat ding habulin ang mga lumalabag sa minimum health standards at ayusin ang transportation system.
Sinabi rin ni Gordon na dapat bigyang linaw sa publiko ang mga dapat nilang gawin para matapos na ang pandemya.
Facebook Comments