Higit 2 milyong kabataang Pilipino, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa harap ng pandemya – CHED

44

Nasa dalawang milyong kabataang Pilipino ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De Vera III, naisakatuparan ito sa tulong mga tauhan ng CHED at UNIFAST sa buong bansa.


Kinikilala nila ang sipag at tiyaga ng mga CHED personnel at mga Higher Education Institutions (HEIs) para tulungan ang mga estudyante.

Ginugunita ng CHED ang 27th Founding Anniversary nito na may temang: Padyak! Moving Forward, Claiming Victory for Philippine Higher Education (Pamantasan: Pandayan tungo sa Kaunlaran).

Facebook Comments