Pandemya, magtatala ng pinakaseryoso at pinakamahalagang halalan sa 2022

Maitatala bilang pinakaseryoso at pinakamahalaga ang pambansang halalan sa susunod na taon bunga ng samu’t saring problemang kinakaharap ng bansa na pinangungunahan ng COVID-19 pandemic.

Binanggit ito ni Senador Panfilo Lacson sa pakikipag-usap niya at ni Senate President Vicente Sotto III sa media na sumusubaybay sa kanilang “Tour of Luzon” kung saan nagsasagawa sila ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa mga posibleng solusyon sa mga problema ng bansa.

Apela ni Lacson, dapat na maging matalino at mapagmasid ang mga botante sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa batay sa mga problemang kinakaharap ng mga mamamayan.


Tinukoy ni Lacson na kabilang sa mga malalaking problemang sasalubong sa mga susunod na lider ng bansa ay ang mahigit P11 trillion na pagkakautang ng pamahalaan na inaasahang lalaki pa hanggang sa matapos ang administrasyong Duterte.

Giit pa ni Lacson, dapat piliin ng mga botante ang lider na walang sino-sino sa pagpapatupad ng mga patakaran at hindi ang mga gumagawa ng mga galawang iba ang tinitignan sa pagpuksa sa katiwalian.

Sa mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, binigyan diin din ni Lacson na ang susunod na lider ay dapat may kakayahang magdugtong sa “disconnect” sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan pagdating sa prayoridad na proyekto.

Facebook Comments