Tututukan ni Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pagtugon sa problema sa pandemya, utang-panglabas at agawan sa West Philippine Sea sakaling mahalal siya sa 2022.
Ayon kay dating Antipolo City Rep. Romeo Acop, tagapagsalita ng partido para sa national security, agad na tutugunan ni Lacson ang COVID-19 pandemic na isa rin sa mga dahilan kung bakit lubog sa utang ang Pilipinas.
Inamin din ni Acop na atubili noon si Lacson na sumabak sa eleksyon dahil sa dami ng mabibigay na problemang babalikatin ng sinumang susunod na pangulo ng bansa.
Gayunman, seryoso at desidio si Lacson na tugunan ang mga problema ng bansa ngayon kaya naman nakahanda na ang kanyang mga sagot at solusyon.
Facebook Comments