Pinag-aaralan ngayon ng mga panadero ang posibleng pagbabawas ng asukal sa pandesal dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Ayon kay Asosasyon ng Panaderong Pilipino President Chito Chavez, pumalo na sa P5,000 ang presyo ng kada sako ng asukal mula sa dating P2,500.
Aniya, sa pamamagitan nito, makakasabay ang mga bakers sa tumataas na gastos sa paggawa ng pandesal at maibabalik ang original recipe nito.
Nabatid na noong 1960s at 1970s, kilala ang pandesal na low sugar content.
Balak din ng grupo na gumamit ng Stevia sweetener bilang alternatibo sa asukal na isang uri ng halaman para sa mga may diabetes.
Facebook Comments