Manila, Philippines – Inamin ni Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo na nahirapan siya sa ginawa niyang pagko-commute mula sa kanyang bahay patungo sa Malacañang.
Sinabi ni Panelo na hindi naging madali sa kanya ang pagsakay ng apat na ulit sa pampasaherong jeepney at pag-angkas sa motorsiklo sa kanto ng JP Laurel.
Sa gitna nito ay iginiit ni Panelo na walang krisis sa transportasyon gayung nakarating naman siya sa kanyang destinasyon.
Kailangan lang aniyang gumawa talaga ng paraan gaya ng paggising ng maaga upang makarating din ng maaga sa trabaho.
Lumalabas na tatlong oras at kalahati ang itinagal ng biyahe ni Panelo mula sa kanyang bahay hanggang Malacañang.
Alas-singko kinse ng umaga nang umalis sa Marikina si Panelo at nakarating ng 8:45 ng umaga sa Palasyo.