Panelo, binanatan si Leachon dahil sa pagpuna sa COVID vaccination program

28

Pinasaringan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang isang dating government adviser dahil sa pagpuna nito sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Sa kanyang programang Counterpoint, dismayado si Panelo kay Dr. Anthony Leachon dahil hindi siya nakatutulong para maibsan ang pagkabahala ng publiko sa mga bakuna.


Dapat aniya tularan ni Dr. Leachon ang kaniyang kapatid na si Oriental Mindoro Representative Doy Leachon.

Pagtitiyak ni Panelo na ang ipapamahaging bakuna ng gobyerno ay ligtas at mabisa.

Si Leachon, isang health reform advocate at nagsilbing adviser ng National Task Force against COVID-19.

Tinanggal siya sa puwesto matapos madismaya si Pangulong Rodrigo Duterte nang pagdudahan niya ang COVID-19 data na inilalabas ng Department of Health (DOH).




Facebook Comments