Panelo, hindi makapaniwala sa pagkatalo ni Mocha

158

Hindi raw makapaniwala si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na natalo ang party-list ni dating communications assistant secretary Mocha Uson sa midterm elections.

“Bakit natalo si Mocha? I can’t believe that,” ani Panelo nang tanungin tungkol sa AA Kasosyo Party.


Hinuha ni Panelo, naging “overconfident” si Mocha sa halos limang milyong followers nito sa Facebook, na karamihan pa ay overseas voters, at hindi na nagconcentrate sa pangangampanya.

Dagdag pa ni Panelo, baka sakaling nanalo ang party-list kung ang pangalan nito ay Mocha party-list imbis na AA Kasosyo.

As of 6 PM, nasa 73rd spot sa bilangan ang nasabing party-list, na may 0.43% votes.

Si Uson ay nagresign bilang communications secretary nakaraang taon kaugnay ng mga kontrobersiyang kinaharap ng PCOO, bago ito naging first nominee ng AA Kasosyo.

Miyerkules naman nng gabi nang maglabas si Mocha ng video ng pasasalamat sa mga taga-suporta nito.
Basahin dito: https://rmn.ph/mocha-uson-nagpasalamat-sa-mga-kaalyado-at-supporters/

Facebook Comments

From Advertisers