VIRAL: Mga gorilla gumawa ng paraan para hindi mabasa ng ulan

223
Screenshot via Riverbanks Zoo & Garden Facebook page

Hindi lang tao ang umiiwas sa malakas na ulan, pati na din mga gorilla.

Sa Facebook account ng Riverbanks Zoo and Garden, mapapanood ang video ng mga gorilla nakasilong at tinatanya kung bumubuhos pa ang ulan o hindi na.


Makikita rin na pinoproteksyunan ng isang gorilla ang kanyang anak. Dumidikit din ang mga big mammal sa dingding upang siguruhin na hindi sila mababasa.

Ang priceless moment ng mga gorilla ay nakuhanan ng zookeper na si Brooke Hunsinger. Ayon sa pamunuan ng zoo, maihahantulad sa tao ang ginagawa nila. Umabot na sa 489,100 views ang nakakaaliw na video.

Facebook Comments