Nagkakamali si Vice President Leni Robredo nang sabihin nitong mas maraming banyaga kaysa Filipino ang ginawaran ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos pagkalooban ng Pangulo si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon matapos mapatay ang transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi totoong kapag ordinaryong Filipino ang nagkasala ay makukulong ito habang makakalaya ang banyaga o makapangyarihang kriminal.
Depensa ni Panelo, may record ang ating prisons na mula noong maupo si Pangulong Duterte na 139 na ang na-grant ng pardon kung saan apat ang dayuhan at 135 ang mga Pilipino.
Giit pa nito, maraming nakakulong na malalaking tao lalo na ang mayayaman na dawit sa ilegal na droga ngayong administrayong Duterte.