Panelo sinita ang mga opisyales ng NAIA

Image via RTVM

Kinastigo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga opisyales ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makaranas ng hirap nang dumating siya sa bansa mula Japan noong Sabado.

Sa press briefing ng Malacañang nitong Lunes, binaggit ni Panelo na sinita niya si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal dahil sa limitadong gumaganang carousels at pangit na air condition system sa paliparan.

Ayon kay Panelo, inabot siya at kanyang mga kasama ng mahigit dalawang oras para lang makuha ang kanilang bagahe.


“Why? Because there was only one or two carousels functioning and there were four trips arriving simultaneously at the airport — the trip from London, from Bangkok, Singapore and from Japan,” aniya.

“Not only that, the air condition was not functioning, if at all; and there was no space to maneuver or to move, because can you imagine hundreds of passengers in front of one or two carousels,” dagdag pa ni Panelo.

Inako naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang responsibilidad sa naganap na insidente at humingin rin ng tawad si Monreal sa nangyari.

“Carousels should be checked on a regular basis. If you do that every week or at least twice a week, I don’t think a carousel will break down.”

Hangad ni Panelo maging maayos na ang sistema sa NAIA.

“We understand of course, that it’s under renovation, but I think they can be better than what happened last Saturday,” sabi ni Panelo, na kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa four-day working visit ng huli sa Japan.

Facebook Comments