Panelo: Usap-usapan tungkol sa kalusugan ng Pangulo, ‘hindi importanteng bagay’

94

Nagpahayag ang Malacañang, Lunes, na hindi umano mahalagang bagay ang usap-usapan tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, ipaaalam naman daw ng Pangulo sa publiko kung seryoso ang lagay nito.


Tungkol naman sa hindi pagkumpirma ng Pangulo, ani Panelo lagi naman daw ganoon ang sagot ng Pangulo sa mga usap-usapan.

Nitong Linggo lang, naglabas ang palasyo ng larawan ni Pangulong Duterte na nagbabasa ng broadsheet gaya ng normal na araw nito, kasama si dating Special Assistant Christopher “Bong” Go.

Huling nagpakita ang Pangulo noong araw ng botohan, May 13, sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Davao City, kung saan ito bumoto.

Facebook Comments