Manila, Philippines – Nasa pang-apat si Solicitor General Jose Calida sa mga highest paid government official noong 2017.
Batay sa report ng Commission on Audit (coa), tumanggap si Calida ng P10.917 milyon noong 2017.
Sinundan siya ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Pena na P3.292 milyon.
Ang ibang pasok sa top 10 ng pinakamataas ang sinuweldo na miyembro ng gabinete noong 2017 ay pawang mahigit sa P3 milyon ang tinanggap.
Kabilang dito sina Energy Secretary Alfonso Cusi, dating CHED Chairperson Patricia Licuanan at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Una nang nilabas ng COA na nanguna si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla sa may pinakamalaking sahod mahigit P14. 9 million.
Pumangalawa si dating BSP Governor Diwa Gunigundo na mayroong mahigit P13.5 million at pumangatlo si Development Bank of the Philippines Vice Chairman Cecilia Borromeo na mayroong mahigit P12.4 million.