Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at mga lider ng Kongreso at Senado ngayong hapon sa Palasyo.
Ayon kay Roque, pagkatapos ng ceremonial signing of bills magaganap ang pulong.
Agenda sa nakatakdang pulong ang magiging kapalaran ng Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2 na nakatakdang magpaso sa katapusan ng buwan at ang isinusulong ng mga mambabatas na Bayanihan 3.
Sinabi pa ng kalihim na kanyang itatanong kay Pangulong Duterte kung magdedeklara ito ng “Days of Mourning” at kung magdaraos ng state funeral para kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino na pumanaw ngayong araw.
Posible rin aniya na magbigay ng talumpati ang Pangulo hinggil dito.