Ilang local celebrities, nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpahayag ng pakikiramay ang ilang local celebrities sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaninang umaga.

Kabilang sa mga ito sina; Charo Santos, Liza Soberano, Janine Gutierrez, Ogie Alcasid, Enchong Dee at Zsa Zsa Padilla na pawang nagpapasalamat sa nagawa nitong legacy sa Pilipinas at pagdadalahamhati naman sa pamilya Aquino.

Pawang nagbigay naman ng simpatiya sa pamilyang naiwan ni Aquino sina Janine Gutierrez, Jake Cuenca, Christian Bautista, Jaya, Pokwang, Mark Bautista.


Maliban sa kanila, nagpaabot din ng kanyang pakikiramay ang celebrity stylist na si Liz Uy sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy na una nang napabalitang nakamabutihan nito.

Nabatid na batay sa initial reports, isinugod ang dating Pangulo sa Capitol Medical Center kaninang madaling-araw, kung saan sinubukan siyang i-revive ngunit tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Nitong mga nakalipas na taon ay tinamaan ng iba’t ibang sakit si PNoy kung saan sumailalim siya sa dialysis at operasyon sa kanyang puso.

Facebook Comments