Pang. Duterte, hindi babawiin ang martial law hanggang hindi tapos ang gulo sa Marawi

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi babawiin ang idineklarang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Pangulong Duterte, hangga’t hindi kasi natatapos ang gulo sa Marawi ay hindi niya ili-lift ang idineklarang batas militar.

Matatandaang pinapayagan lamang ng saligang batas ang deklarasyon ng martial law sa bansa kapag may pag-atake o rebelyon.


Layunin din nitong mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa loob ng 60 araw.

Gayunman, tiniyak ng pangulo na susundin niya ang anumang iuutos ng Korte Suprema bilang tugon na rin sa mga petisyong kumukwestyon sa deklarasyon ng batas militar sa Mindanao.

Facebook Comments