Pang Duterte hiniling kay DILG Sec Eduardo Año na pamunuan ang pambansang pulisya

Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahala sa Philippine National Police kay Interior & Local Govt Secretary Eduardo Año.

 

Sa talumpati ng Pangulo sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato ngayong araw, sinabi nito kay Año na pangasiwaan muna ang pambansang pulisya sa loob ng 2 taon o hanggang sila ay kapwa bumaba sa pwesto sa 2022.

 

Ayon kay Pang Duterte mahuhusay at mababait ang mga pulis sa probinsya pero iba ang sitwasyon sa Maynila kung kaya’t nais nya munang hawakan ito ni Año na isang dating military chief of staff.


 

Habilin pa ng Pangulo kay Año na ayusin ang hanay ng pambansang pulisya nang sa ganun pagtapos ng kanilang termino sa 2022 ay hindi na masyadong mabigat ang problema ng mga Pilipino.

 

Sa ngayon, balot kasi ng kontrobersiya ang hanay ng pulisya dahil may ilan sa kanila ang sangkot sa ilegal na droga, extortion, pagrerecycle ng drugs o ninja cops at maraming iba pa.

 

Bilang pinuno ng DILG si Año ay mayruong hurisdiksyon sa police force.

Facebook Comments