Pang-ho-hostage kay dating Sen. De Lima, nag-iwan ng aral sa PNP

Wag magpakampante o magpakakumpyansa.

Ito ang aral na napulot ng Pambansang Pulisya matapos ang tangkang pagtakas ng tatlong person under police custody na nauwi sa pang-ho-hostage kay dating Sen. De Lima sa loob mismo ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame noong Linggo ng umaga.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., kahit na matagal nang practice o nakagawian na ay hindi dapat mag-relax.


Paliwanag nito, sa ilang taon kasing ginagawa ng PNP ang pagpapakain sa mga detainees ay ngayon lamang sila naisahan o ginamit ang kubyertos bilang panaksak sa kagustuhang pumuga ng ilang mga preso na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Aniya, naging wakeup call ang insidente upang mas mapaghusay pa nila ang protocols at seguridad sa PNP Custodial Center.

Sa ngayon, may ilang reporma nang ginawa ang Pambansang Pulisya partikular sa pagdalaw sa mga detainees, pagpapakain sa mga ito at ang pagkakaroon ng “buddy buddy” system ng mga pulis na maghahatid ng rasyon o pagkain sa mga preso.

Facebook Comments