Paglagda ni PBBM sa SIM Card Registration Act, welcome sa Pambansang Pulisya

Maituturing na welcome development sa hanay ng Pambansang Pulisya ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa SIM Card Registration Act.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba ang naturang batas ay magbibigay ng ngipin sa PNP sa paghahabol ng mga kriminal na nagtatago sa likod ng mga anonymous pre-paid SIM card.

Aniya, naging karanasan ng PNP noong kasagsagan ng pandemya, ang pagkakaroon ng shift mula sa tradisyunal na krimen, tungo sa online crimes, gamit ang modernong komunikasyon.


Ayon kay Alba, nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group ng 4,254 SIM card related offenses mula lang Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Hindi pa aniya kasama rito ang ibang mga kahalintulad na kaso na hinahawakan ng iba pang ahensya ng gobyerno at mga hindi nare-report sa mga otoridad.

Facebook Comments