VIETNAM – Ang Filipino Community sa Hanoi ang unang hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dalawang araw official visit sa Vietnam.Dito, tinalakay ng pangulo ang kanyang kampanya kontra-droga.Sa pre-departure speech ng pangulo, sinabi nito na kahit kabilang ang Vietnam sa mga claimants sa West Philippine Sea ay kanyang isusulong ang mapayapang resolusyon sa territorial dispute, pagpapabuti ng bilateral cooperation at pagpapaigting ng defense at maritime security ng dalawang bansa.Sinabi ni Philippine Ambassador to Veitnam Noel Servigon, na layon ng official visit ng pangulo na pagtibayin ang strategic partnership ng Pilipinas at Veitnam.Ngayong araw, nakaschedule ang bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Vietnamese President Tran Dai Quang gayundin sa iba pang opisyal ng Vietnamese government.
Pang. Rodrigo Duterte, Nakipagkita Sa Filipino Community Sa Kanyang Official Visit Sa Vietnam
Facebook Comments