Panawagan ngayon ng Malacañang ang pang-unawa mula sa mga may-ari ng mga maliliit na groceries dahil sa epekto ng isyu sa supply ng asukal.
Ito’y makaraang boluntaryong magbaba ang malalaking supermarkets ng presyo ng asukal sa ₱70 kada kilo mula sa dating ₱90 hanggang ₱110 kada kilo, matapos ang pakiusap ng pangulo.
Umaangal ang mga may-ari ng small-time grocery dahil hindi umano nila kakayanin na mapanatili ang mababang presyo.
Ngunit ayon may Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, pansamantala lang naman ang ₱70 kada kilong asukal at limitado lang din sa itinakdang dami.
Ibig sabihin, kapag naubos na ang volume ng asukal na binawasan ang presyo ay babalik na ulit ang presyo nito batay sa market prices.
Kung sakali man anyang mapalawig ito at labis na maapektuhan ang maliliit na groceries, tiniyak ni Angeles na may tulong mula sa gobyerno.