Prayoridad ng lalawigan sa Pangasinan ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan para sa mga Pangasinense.
Sa katatapos lamang na 12th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding and Recognition na may temang Universal Health Care: Moving together to Build a Premier and Healthier Pangasinan kung ginawaran ang mga kwalipikadong mga bayan at lungsod sa lalawigan na nagbigay ng magandang serbisyong pangkalusugan bilang kontribusyon na rin sa pagpapaigting ng universal healthcare program.
Alinsunod dito ang mithiin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na ilunsad Pangasinan Provincial Medical Center System na may layuning mas palakasin at iupgrade ang mga ospital sa Pangasinan na magbibigay ng pang world class standard na healthcare facilities and services na mapapakinabangan ng mga Pangasinense.
Ito ay upang patuloy na maisulong ang maaayos at maaasahang serbisyong pangkalusugan lalo na para sa taong higit na nangangailangan sa aspeto ng medical o pangkalusugan.
Samantala, sa naganap na Health Summit, naiulat na ang Province of Pangasinan sa buong Region ang natatanging nakapagkamit ng 100% sa Key Result Areas (KRAs) Preparatory level o ito ang achievement o naging progreso ng isang organisasyon. |ifmnews
Facebook Comments