Aminado sina presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III na hindi kakayanin ng pondo ng gobyerno ang ipinapangako ng ilang presidentiable na bibigyan ng bahay ang mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kina Lacson-Sotto tandem, sayang lamang ang mga ipangako ng ilang presidentiable na bigyan ng bahay ang bawat Pilipino dahil umano sa 5.3 milyon ang backlog ng pamahalaan sa housing program.
Paliwanag ni Lacson, kinuwenta niya sa loob ng 6 na taon mahigit sa ₱500 bilyon ang budget ang kakailanganin upang mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na Pilipino at hindi umano ito kakayanin ng pamahalaan.
Giit nina Lacson-Sotto na ang kanilang ipinapangako sa taumbayan ay ang kaya lamang nilang gawin at hindi pwedeng bolahin sa mga pangako ang mamamayang Pilipino.
Hinikayat nina Lacson-Sotto tandem ang publiko na maging matalino sa pagpili ng totoong lider na tunay na maglilingkod sa mga Pilipino upang sa bandang huli ay hindi nila pagsisihan ang kanilang ibinotong lider ng bansa.