MRT-3, may alok na free ride para sa mga kababaihan bukas

May alok na libreng sakay para sa mga kababaihan ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), bukas, ika-8 ng Marso ayon sa Department Of Transportation (DOTr).

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Day.

Ayon kay MRT-3 Officer In Charge General Manager Assistant Secretary Eymend Eje, ang pagsasagawa ng libreng sakay ay pakikiisa at pagkilala sa mga kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan.


“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang pilipino,” pahayag ni Eje.

“Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw,” dagdag pa niya.

Samantala, maaaring ma-avail ang free ride mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments