Pangako ni Pangulong Duterte na ilalantad bilang ‘fraud’ si Rappler Chief Maria Ressa, hintayin lang ayon sa Malacañang

Nanindigan ang Malacañang na ginagawa lamang ng Executive Department ang trabaho nito na ipatupad ang mga batas ng bansa.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalantad niya si Rapple Chief Executive Officer Maria Ressa bilang “fraud.”

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hintayin na lamang ng publiko ang resulta ng imbestigasyon.


Hindi masabi ni Roque kung may plano ang Pangulo na maghain ng reklamo laban kay Ressa.

Tugon sa bagong tirada ni Pangulong Duterte, sinabi ni Ressa na posibleng marami lamang nakikitang ‘fraud’ ang Pangulo sa kanyang paligid.

Si Ressa at dating researcher na si Reynaldo Santos Jr. ay convicted sa kasong cyber libel at ang dalawa ay sinentensyahan ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakakulong.

Sa ngayon, malaya ang dalawa matapos maglagak ng post-conviction bail.

Facebook Comments