Pangakong proteksyon ng LTFRB sa mga commuter, pinuri ng commuters group

Tiwala ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na mapangangalagaan nang maayos ang kapakanan ng mga commuter sa bansa ng bagong talagang LTFRB chief.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, ito raw ang nilalaman ng pakikipagpulong niya kay bagong LTFRB Chairman Vigor Mendoza II.

Siniguro umano ni Mendoza na ipaprayoridad niya ang kapakanan ng mga commuter at itutuloy ang pagpapabuti ng sistema ng public transportation sa bansa.

Ito ay umaayon sa adbokasiya ng LCSP na protektahan ang mga karapatan ng mga commuter at itaguyod ang kanilang kagalingan.

Hangarin din umano ng bagong LTFRB chair na magpatupad ng mga hakbang na naglalayong pahusayin ang internal procedures ng LTFRB.

Partikular na sa pagproseso ng Certificates of Public Convenience para sa mga aplikasyon ng TNVS.

Kaya naman tiyak umanong mapangangalagaan ang kapakanan ng mga commuter sa pamamagitan ng maagap na mga patakaran at epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa kapakinabangan ng riding public.

Facebook Comments