Pangakong salary increase ng mga guro, hindi nalilimutan ni PRRD

Hindi nalilimutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong salary increase sa mga public school teacher.

Ito ang nilinaw ng Pangulo sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng isang eskuwelahan sa Bulakan, Bulacan.

Sabi ni Pangulong Duterte, magpapatawag siya ng meeting kasama si Education Secretary Leonor Briones para pag-usapan ito.


Matatandaang noon pa humihingi ng umento sa sahod ang mga guro matapos aprubahan ng Kongreso ang 100 percent increase sa basic pay ng mga militar at iba pang uniformed personnel noong nakaraang taon.

Magugunita rin na noong May 2018 ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya pa maibibigay noon ang hiling ng mga guro dahil sa kakulangan ng pondo.

Facebook Comments