Andray Blatche, kasama sa line-up ng Team Pilipinas

Ipinasa na ni National team head coach Yeng Guiao sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang line-up ng mga players na sasabak sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Hindi naman pinangalanan ni Guiao kung sinu-sino ang mga ito pero inamin nito na magiging naturalized player ng Team Pilipinas si Andray Blatche.

Bagaman at wala pang kasiguraduhan kung kailan makakarating sa bansa si Blatche, inaasahan ni Guiao na makakasama na ito sa practice sa January 21 para agad itong makondisyon.


Kasalukuyan nasa ika-apat na pwesto sa group-F ang Pilipinas na may 5-5 win/loss record at kinakailangan nilang manalo kontra sa Qatar sa February 21 at Kazakhstan sa February 24.

Facebook Comments