Pangakong tulong pinansyal sa mga OFW na kasabay niyang umuwi ng bansa, tinupad ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tinupad ni Pangulong RodrigoDuterte ang kanyang pangakong tulong pinansyal sa mga OFW na kasabay niyangumuwi ng bansa.
  Aabot sa 10,000 pesos na cash assistance ang natanggap ngmga OFW kung saan 5,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)at 5,000 ay galing sa bulsa ng pangulo.
  Sa kanyang arrival speech kanina sa NAIA, sinabi ngpangulo na sagot na ng gobyerno ang gastos sa pagpapauwi sa mga OFW na gustongumuwi.
  Dagdag pa ng pangulo – napakalaki ang kanyang utang naloob sa mga OFW dahil sa sakripisyo at kontribusyon para sa bansa.
  Ipinangako rin ng pangulo na hahanap din siya ng pondopara makapagtayo ng ospital abroad para lamang sa mga OFW.
Sa tala ng Labor Dept. nasa 138 na OFW ang kasama ni PangulongDuterte na umuwi ng Pilipinas.
 

Facebook Comments