Manila, Philippines – Nais papalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
pangalan ng “Benham Rise” sa “Philippine Rise.”
Agad na inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs at ang Office
of the Executive Secretary na pag-aralan ang posibilidad na baguhin ang
pangalan nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – ito ay para mabigyang diin
ang soberenya na pag-aari ng Pilipinas ang Benham Rise kasunod na rin ng
pagpasok ng ilang barko ng China sa nasabing lugar kamakailan.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa legal at logistical study ang utos ng
Pangulo.
Bukod sa Benham Rise, ilang isla pa sa West Philippine Sea ang pilit na
inaangkin ng china.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na hindi pinapabayaan ng pamahalaan ang pagtiyak
na hindi makakapasok doon ang mga dayuhan.