Manila, Philippines – Tatawagin na ngayong Philippine Rise ang kilalang Benham Rise na nasa katubigan ng Pilipinas.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – inaaprubahan ni Pangulong Duterte ang kanyang proposal para palitan ang pangalan ng Benham Rise.
Nilinaw ni Piñol na dahil dito, hindi na pinapayagan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng oil exploration o pagmimina ng langis sa loob ng 13 million-hectare Philippine Rise.
Aniya, inaprubahan din ni Duterte ang kanyang proposal para magtayo ang pamahalaan ng pasilidad sa shallowest portion na tatawaging Benham Bank kasama na dito ang malaking cold storage bilang patunay na ang rehiyon ay mayaman sa lamang dagat tulad ng yellow fin tuna.
DZXL558
Facebook Comments