Nais ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na isapubliko ang pangalan ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating sa bansa mula sa South Africa kung saan na-detect ang Omicron variant.
Ayon kay Duque, plano niya itong imungkahi sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pero kailangan aniya muna itong linawin dahil may legal na implikasyon sa paglalabas ng kanilang mga pangalan.
Paliwanag ni Duque, ang pagsasapubliko ng pangalan ng dalawang OFW ay makakatulong para mas madali silang makita ng mga awtoridad.
Nauna nang inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nahanap na ang anim na iba pang OFW na nagmula sa South Africa.
Facebook Comments