Portugal, sinama na sa “red list” countries ng IATF

58

Isinama na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Portugal sa “red list” countries dahil sa high-risk sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magiging epektibo ito ng alas-12:01 ng hatinggabi ng December 12.

Dahil dito, kailangang sumailalim sa testing at quarantine protocols ang mga pasaherong manggagaling sa Portugal pagdating sa Pilipinas.


Ang mga pasahero naman na darating sa bansa bago ang December 12 ay kailangang makumpleto ang 14-days quarantine protocol.

Facebook Comments