Pangalan ng ilang biktima ng malagim na sunog na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng dalawa sa Fairview, QC, inilabas na ng BFP

Inilabas na sa publiko ang pangalan ng dalawang sugatan sa nangyaring sunog kaninang madaling araw sa Lilac Omega Street, Fairview, Quezon City.

Kinilala ang mga sugatan na sina William Uy, 47-anyos na nagtamo ng multiple abrasions and puncture wound sa kaliwang hita at Michelle Uy, 48-anyos, na nahihirapang huminga habang hindi pinapangalanan ang dalawang nasawi isang 18-anyos na babae at 48-anyos na lalake.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)m pasado alas-2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na umabot lamang ng unang alarma at makalipas ang halos isang oras agad naapula ang apoy.


Paliwanag ng BFP, hindi nila batid kung anong pinagmulan ng sunog at magkano ang kabuuang pinsala ng apoy.

 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO) sa naturang sunog.

Facebook Comments