Pangalan ng mga SAP beneficiaries na hindi pa nakakatanggap ng ayuda sa DSWD, makikita na sa website ng QC-LGU

Makikita na sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) Official website ang mga pangalan ng mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) na hindi pa nakakatanggap ng ayuda.

Ito’y upang matulungan ang mga benepisyaryo sa paghahanap ng kanilang pangalan sa listahan ng Department of Social Welfare and Development.

Batay sa pinadalang listahan ng DSWD, may mga pangalan ng benepisyaryo ang napunta sa ibang barangay.


Maari itong hanapin sa siyam na file, tatlo sa Star Pay at anim sa GCash.

Ayon sa LGU, kapag nakita ang pangalan at wala pang natatanggap na ayuda maari silang magtungo sa barangay para makuha ang reference number.

Kung wala naman sa listahan at mayroong SAC Form at wala pang natatanggap na ayuda kailangan nilang magpalista sa barangay.

Ang barangay na umano ang mag eendorso nito sa City Social Services Department at siya namang magpapasa sa DSWD.

Tuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng DSWD ng SAP cash aid sa mga residente sa QC na hindi pa nabigyan ng cash assistance sa unang tranche kabilang ang mga waitlisted.

Facebook Comments