PANGALAWA | Pilipinas, kabilang sa most hated countries ng taiwan

Manila, Philippines – Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kinamumuhian o most hated country ng Taiwan.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng non-profit at non-government organization na Taiwan Public Opinion Foundation sa 1,073 Taiwanese respondents.

Nangunguna ang North Korea sa listahan na may 70.9%, ikalawa ang Pilipinas na nasa 52.9%, ikatlo ang China na nasa 43.9%, South Korea (33.8%) at Russia (29.7%).


Sa datos ng Taiwanese Ministry of Labor, nasa 150,000 OFW ang nagtatrabaho sa Taiwan.

Nitong 2016, nilagdaan ng Taiwan ang new southbound policy na layong palakasin ang socioeconomic ties nito sa Pilipinas at malugod na tinanggap ng Duterte Administration.

Facebook Comments