Pangalawang Industrial Solar Energy Facility sa Cagayan, Ilulunsad

Tuguegarao City, Cagayan – Ilulunsad ng SM Tuguegarao ang kanilang 564.48 kW rooftop solar energy facility sa December 07, 2017.

Ang naturang pasilidad ay kinabibilangan ng 1,764 solar panels na makakapagluwal ng 1,524 Mwh ada taon. Katumbas nito ang 7.5 kW na kayang magpaandar ng 56 escalators ng sabay sabay.

Ang naturang proyekto ay makakapagbawas ng 1,143.072 tonelada ng CO2 emission kada taon o katumbas ng itinanim na 5,715.36 na punong kahoy sa isang taon.


Makapagbibigay din ito na katipiran ng hanggang P5,176,402.56 na halaga ng kuryente kada buwan.

Sa pahayag na ipibaabot ng SM Tuguegarao sa local media kasama na ang RMN Cauayan News, ito umano ay bahagi ng kanilang pangako na gawin ang kanilang operasyon na naayon sa pangangalaga sa kalikasan sa likod ng nangyayaring climate change.

Ang solar power facility ng SM Tuguegarao ay pangalawang industrial solar power project sa Lalawigan ng Cagayan mula sa naunang proyekto ng St Paul University.

Sinabi pa ng kanilang pahayag na maliban sa environmentally friendly solar panel project ay kanila ding ginagawa ang water treatment, water recycling at ang trash to cash program para sa maayos na solid waste management.

Facebook Comments