Pangalawang pangulo ng bansa, walang ‘immunity from suit’ – Escudero, Lagman

Pinaalalahanan ng ilang pulitiko si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ligtas sa kaso ang pangalawang pangulo ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na tatakbo siya sa nasabing posisyon sa halalan sa 2022 kung nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng legal immunity.

Ayon kay dating Senador at incumbent Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, nakasaad sa konstitusyon na may “immunity from suit” ang pangulo pero hindi nito sakop ang bise presidente.


Naniniwala naman si Albay 1st District Representative Edcel Lagman na nais lamang tumakbo ni Pangulong Duterte sa vice presidential post dahil may intensyon itong maging “successor-president.”

Matatandaang sa national assembly ng PDP-Laban sa Clark, Pampanga noong Sabado, inamin ng pangulo na ang pagtakbo niya ay may kinalaman sa pinaplanong pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng kanyang mga kritiko oras na matapos na ang kanyang termino.

Facebook Comments