Manila, Philippines – Umani ng sari-saring reaksyon sa mga mamamayan sa Butuan City ang naging laman sa pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
May nagsabing kontento sila at meron namang nagsabing hindi sila kontento dahil may kulang, pero pasado naman sa kanila ang performance sa isang taong panunungkulan ni Pangulo.
Ayon kay Grace Lampo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) kontento siya sa isang taong performance ng pangulo pero may kulang kasi hindi klaro para sa kanya kung may increase o wala sa sweldo ng mga guro at umaasa sila na sana matupad na ang 25 thousand pesos na increase sa Teacher 1.
At iilan sa mga barangay opisyals nagsabi sana nasali kahapon sa SONA ng pangulo kung mayroon ba talagang barangay election sa darating na Oktubre.