Iginiit ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na walang dapat ipangamba ang sektor ng agrikultura kaugnay sa napipintong pagratipika ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Pahayag ito ni Balisacan sa harap ng paniniwala ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura na hindi sila makikinabang sa RCEP at sa halip ay baka lalong matabunan ng mga imported na produkto ang kanilang mga lokal na suplay.
Paliwanag ni Balisacan, ang mga problema sa panig ng agrikultura ay walang kinalaman sa RCEP at kahit wala ito ay kailangan naman talagang suportahan at mamuhunan ang pamahalaan sa larangan ng agrikultura.
Diin ni Balisacan, kailangang maratipikan ang RCEP dahil nakadepende ang kinabukasan ng bansa sa kakayahan ng gobyerno na makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan na syang tugon sa ating hindi sapat na domestic capital.
Ayon kay Balisacan, sa oras na mapabilang ang pilipinas sa mga bansang naunang nagratilika sa RCEP ay tila inihahayag natin sa buong mundo na lubos na ang kahandaan ng Pilipinas sa pagnenegosyo, may maayos tayong patakaran kaya tiyak ligtas ang pamumuhunan sa atin.
Binanggit ni Balisacan, na sigurading malaki ang maitutulong nito sa agriculture sector para higit na maging produktibo at magkaroon ng kakayahang makipag-kompetensya.